-- Advertisements --
Tumangging mag-komento ang Palasyo ng Malakanyang sa umano’y huling habilin o “last wish” ni dating Pang. Rodrigo Duterte.
Ibinahagi kasi ni Vice Pres. Sara Duterte na nais ng kanyang ama na ma-cremate kung saan ito mamamatay at abo nalang ang iuuwi sa bansa.
Sinabi ni Palace Press Officer USec. Claire Castro na ang nasabing pahayag ay usaping pam-pamilya.
Giit ni Castro, desisyon anya ng pamilya Duterte kung ano ang kanilang gagawin.
Nauna nang sinabi ni Elizabeth Zimmerman, dating misis ni Duterte, na halos buto’t balat na ang dating Pangulo.
Ayon kay Zimmerman, bagama’t maayos naman ang kalusugan ay malaki ang ibinagsak ng katawan ng dating presidente.