-- Advertisements --

Tiwala ang grupo ng mga micro, small and medium enterprises (MSME) na magiging malakas ang kanilang negosyo ngayong taon kumpara noong nagdaaang mga taon.

Sa isinagawang caravan ng Department of Trade and Industry (DTI) na marami sa mga MSME ang dumadaing na hindi sila kumita nioong nakaraang taon.

Karamihan sa kanila ay nagnegosyo para may pantustos sa araw-araw nilang gastusin.

Tiniyak naman ng DTI na kanilang mahahatiran ng tulong ang mga maliliit na negosyante sa bansa.