-- Advertisements --

Tanggap ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga isyu ukol sa panukalang “Konektadong Pinoy”.

Pirma na lamang kasi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kailangan para ito ay maging batas.

Dahil dito ay marami pa ring mga grupo ang nangangamba lalo na sa usapin ng cybersecurity.

Tiniyak naman ng DICT na handa silang tumugon o magsagawa ng pag-uusap.

Inihahanda na rin nila ang Implementing Rules and Regulations (IRR) na tumutugon sa National Telecommunications Commission (NTC).