Inanunsiyo muli ni UFC fighter Conor McGregor ang kaniyang pagreretiro.

Sa kaniyang social media post, sinabi nito na hindi na siya lalaban at napagdesisyunan na niyang magretiro.

Ang nasabing pagreretiro ay siyang pangatlong beses na niyang ginawa sa loob ng apat na taon na unang ginawa noong 2016 at 2019.

Huling lumaban ang Irish fighter noong Enero ng talunin si Donald ‘Cowboy’ Cerrone sa loob lamang ng 40 segundo sa Las Vegas.

Mayroong record ang 31-anyos na fighter na 22 panalo at apat na pagkatalo.

Isa sa rason nito sa pagreretiro ay hindi na siya nag-eenjoy at naboboring na siya.