-- Advertisements --

Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Maria Theresa Lazaro na pinatawag nila si Chinse ambassador to the Philippines Huang Xilian nuong Biyernes.

Ito’y kasunod ng ipinatupad na travel ban ng China kay dating Senator Francis Tolentino kasunod ng kaniyang paninindigan kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea.

Ayon kay Palace Press Officer USec Claire Castro batay sa naging pahayag ng DFA, pinagpapaliwanag nila ang Chinese envoy hinggil sa naging hakbang ng Beijing na ban bumiyahe sa China, Hongkong at Macau ang dating senador.

Bagamat nirerespeto ng Pilipinas ang desiyon ng China, pina-alalahanan ni Ambassador  Lazaro  ang Beijing na pinapahalagahan ng Pilipinas ang “Freedom of Expression.”

Binigyang-diin nito na mandato ng mga elected officials na magtanong at magsaliksik lalo at kung ito ay may kaugnayan sa national and public interest.

Gayunpaman binigyang diin ng DFA na committed ang Pilipinas sa pagtugon sa mga hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng diplomasiya at dialogue para makamit ang mutual understanding.