Wala umanong interes na ipinapakita si US undefeated boxing champion Floyd Mayweather sa mga humihirit na rematch sa kaniya.

Sinabi ng 43-anyos boxing champion na wala na talagang tatalo sa kanya.

Ilan sa mga tinutukoy nito ay ang paghirit ng rematch nina UFC star Conor McGregor at Canelo Alvarez.

Dagdag pa ni Floyd Jr na kontento na ito sa kaniyang kinita kahit na hinihikayat siya ni dating Mexican boxer Oscar dela Hoya na ang rematch kay Canelo ay maaaring maging $1.5 billion fight.

Magugunitang noong 2013 ay tinalo ni Mayweather si Canelo at 2017 naman nang talunin din nito si McGregor.

Bukod sa dalawa ay kasama ring naghihintay ng desisyon nito si Filipino boxing champion Manny Pacquiao.