-- Advertisements --
Inanunsiyo ni Atty. Ferdinand Topacio na itinalaga siya bilang tagagpagsalita ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na may kinalaman sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ang nasabing political party ay pinamumunuan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan noong nagdaang Mayo 12 elections ay tiniyak ng 10 kandidato nito sa pagkasenador na kanilang ibabasura ang nasabing kaso.
Sinabi pa ni Topacio na suportado ng PDP ang ipinaglalaban ng Bise President na may kaugnayan sa reklamo laban sa kaniya.
Ang anunsiyo ni Topacio ay isang araw matapos na ianunsiyo ng Bise Presidente na si Atty. Michael Poa ang kaniyang napiling tagapagsalita sa impeachment trial.