-- Advertisements --

Magkakasabay na magpapatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa Martes, Hulyo 1.

Bababa ang presyo ng gasolina mula P1.40, habang ang diesel ay bababa din ng P1.80, tinataya namang P2.20 ang ibababa ng kerosene.

Epektibo ang mga nabanggit na oil price roll back mula ala-6:00 ng umaga bukas.

Ang pagbaba ng presyo ay inasahan matapos ang naganap na ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran, na siyang nagdulot ng pagbaba sa global crude oil prices.