Ipinagmalaki ng Department of Education (DepEd) ang pagtaas ng bilang ng mga enrollees sa lahat ng antas ngayong school year 2019-2020.

Ayon sa datos ng DepEd mayroong 27,817,737 ang bilang mga enrollees ngayong taon na mas mataas kumpara noong nakaraang taon ng 2.95%.

Sinabi ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali na may mga early enrollment campaign sila para hikayatin ang mga magulang na maagang ipa-enroll ang kanilang mga anak.

Tuloy-tuloy din ang programa ng DepEd sa panghihikayat sa mga bata na magbalik-eskuwela.

Umaasa naman ang DepEd na sa mga susunod na taon ay bababa pa ang bilang ng mga out-of-school youth sa bansa.