-- Advertisements --

Pangunahing gagamitin na bilang midyum ng pagtuturo sa mga klase sa kindergarten hanggang Grade 3 ang wikang Filipino at Ingles simula ngayong school year 2025-2026, ayon sa Department of Education (DepEd).

Ito ay alinsunod sa DepEd Order No. 020, series of 2025, na nagiimplementa ng mga probisyon sa ilalim ng Republic Act No. 12027 o isang batas na nagpapahinto sa paggamit ng Mother Tongue o dayalekto bilang midyum sa pagtuturo mula Kinder hanggang sa ikatlong baiting.

Saklaw ng naturang DepEd order ang lahat ng paaralan sa elementarya sa bansa.

Magsisilbi naman ang mga dayalekto sa mga probinsiya bilang “auxiliary” o pantulong sa pagtuturo ng mga guro para matulungan ang mga mag-aaral na mas maunawaan ang kanilang mga aralin.

Maaari namang gamitin ng mga guro ang Filipino Sign Language sa mga klase para sa mga estudyanteng may kapansanan sa pandinig.