-- Advertisements --
Educ Sec Angara umaasang di masasama sa Cabinet reshuffle
Umaasa si Education Secretary Sonny Angara na hindi siya masasama sa umano’y Cabinet reshuffle, sa gitna ng spekulasyon ng posibleng pagbabago sa gabinete ni Pangulong Marcos.
Wala pa aniyang kumpirmasyon mula sa Malacañang at hindi rin tinalakay sa kanya ng Pangulo ang usapin.
Itinanggi ng Palasyo ang mga ulat ng reshuffle ngunit nilinaw na bahagi ng normal na proseso ang performance review ng mga kalihim.
Sinabi ng DepEd na nananatiling nakatuon si Angara sa pagpapatupad ng mga reporma sa sektor ng edukasyon, kabilang ang mga programa sa teacher workload, classroom practices, at digital readiness. (report by Bombo Jai)
















