-- Advertisements --

Pumayag ang apat na kumpanya ng langis na magbigay ng diskuwento sa mga public utility vehicles (PUV) drivers.

Sinabi ni Department of Energy (DOE) officer-in-charge Secretary Sharon Garin na layon nito ay para makatulong sa mga PUV drivers dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Dagdag pa nito na mayroong tig-P1 diskuwento sa lahat ng public utility vehicles ang ibibigay ng mga kumpanya ng langis.

Umaasa ito na madadagdagan pa ang bilang ng mga oil companies na magbibigay ng diskuwento.