Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na fake news ang kumakalat online na Saturday classes para sa mga estudyante sa elementarya at senior high school (SHS).
Ginawa ng ahensiya ang naturang paglilinaw matapos kumalat sa social media ang isang advisory na galing umano sa DepEd kung saan nakasaad na may pasok na tuwing Sabado ang mga bata, elementarya, junior at senior highschool simula sa Hulyo 5.
Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ng ahensiya ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri laban sa anumang uri ng misinformation.
Pinayuhan din ang publiko na sumangguni lamang sa official social media accounts ng DepEd para sa mga anunsiyo at impormasyon.
Matatandaan, nag-umpisa na ang mga klase sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2025-2026 noong Hunyo 16 kung saan nasa 27 million mag-aaral ang nag-enroll mula preschool hanggang SHS.