-- Advertisements --
May sariling lane na inilaan para sa mga mag-aaral ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) na layon ng nasabing lane ay para mapabilis ang pagpila ng mga mag-aaral.
Mula kasi noong ginawang 50 percent na ang diskuwento mula sa dating 20 percent sa mga mag-aaral ay tumaas ang bilang ng mga mananakay na estudyante.
Lahat ng mga mag-aaral kabilang ang mga post-graudate programs ay required na magpakita ng kanilang student IDs sa kasalukuyang taon o ang pruweba na sila ay naka-enroll para makakuha ng diskuwento.
Sinabi naman ni DOTr Secretary Vince Dizon na ang hakbang ay para mapabilis ang pagpila at ng hindi na maantala sa pagpasok ang mga mag-aaral.