-- Advertisements --


Inaprubahan na ng Department of Budget and Management ang kahilingan ng DepEd para sa 20,000 bagong teaching positions para sa taong 2025, bilang tugon sa utos ni Pangulong Marcos Jr. na pagandahin ang kalidad ng edukasyon.

Ilan sa mga pupunang posisyon ay kinabibilangan ng Teacher I, Special Needs Education Teacher (SNET), at Special Science Teacher I, na ipapamahagi sa lahat ng rehiyon, pinakamalaki sa Region IV-A, Region III, at Region VII.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layunin nitong maibsan ang bigat ng trabaho ng mga guro at mapabuti ang pag-abot sa mas maraming mag-aaral.

Mula Agosto 2024 hanggang Abril 2025, bumaba na ang bakanteng posisyon mula 72,964 hanggang 38,862—dahil dito, umabot sa 96.03% ang national filling rate.

Pinabilis din ang deployment sa pamamagitan ng paglalabas ng NOSCAs ng DBM sa mga Schools Division Offices at Implementing Units.

Kasama sa mga repormang inilunsad ng DepEd ang pagtaas ng teaching allowance sa ₱10,000, mas malinaw na workload policies, at mas maraming oportunidad para sa promosyon.