-- Advertisements --

Handang umalalay ang Philippine National Police (PNP) sa mga local goverment unit sa nakatakdang pagpapatupad muli ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa darating ng Oktubre 5.

Ayon PCol.Allen Rae Co, hepe ng Public Information Office (PIO) ng PNP, na suportado nila ang nasabing muling pagpapatupad ng NCAP para maisulong ang tamang batas trapiko sa lugar.

Magugunitang ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na pumipigil sa pagpapatupad ng NCAP.

Dahil dito ay ipapatupad na sa limang lugar sa Metro Manila ang magpapatupad na ng NCAP na ito ay kinabibilangan ng lungsod ng Manila, Quezon City, Valenzuela City, Parañaque, Muntinlupa at San Juan City.