Ganap nang nanumpa si Manila Mayor-elect Francisco “Isko Moreno” Domagoso.
Ginawa niya ito sa harap ni Supreme Court Associate Justice Antonio T. Kho Jr. sa Supreme Court En Banc Session Hall sa Ermita, Manila.
Kasama niya ang kaniyang asawa na si Dynee, kanilang mga anak na sina Patrick, Frances, at Franco, pati na rin si 1st District Councilor-elect Joaquin Domagoso.
“Pormal na po tayong nanumpa sa katungkulan bilang bagong halal na alkalde ng Maynila. Hiniling nating maging simple ang ating panunumpa. Maraming salamat po kay Justice Antonio Kho, Jr. sa pangangasiwa ng ating oath of office,” wika ni Moreno.
Bago ito, nai-proklama na rin si Moreno, isang araw bago ang halalan.
Kasama naman niya sa proklamasyon ang ka-tandem nito na si Vice-Mayor-elect Chi Atienza.