Muling nagbigay babala ang alkalde ng lungsod ng Maynila na si Mayor Fracisco ‘Isko’ Moreno Domagoso sa mga tinaguriang ‘tolongges’ o suspek sa krimen na kanila itong hindi ipagsasawalang bahala.
Sa isang pahayag, mariing sinabi ni Mayor Isko na ang pamahalaang panlungsod ay seryoso sa pagtugis ng mga indibidwal sangkot sa krimen o ilegal na gawain.
Kanyang binigyang diin na miski anong oras pa man ito nangyari, mapa-graveyard shift o madaling araw ay hahabulin ito ng awtoridad upang panagutin sa batas.
Hindi aniya nila matatakasan ang batas kung kaya’y babala’y huwag gagawa ng krimen sa loob ng lungsod ng Maynila.
Gayunpaman, hinimok niya ang mga tinaguriang ‘graveyard shift tollonges’ na magbagong buhay na at lumaban ng patas o sa legal na pamamaraan.
Alinsunod ang pahayag sa makaraan huli ng Manila Police District sa mga indibidwal gumawa at sangkot sa krimen sa lungsod.
Mayroon mga kaso nng snatching, holdap at pananaksak sa driver at pahinante ng truck sa Maynila na siyang tuluyang naaresto naman ng pulisya.
Nagpasalamat naman ang alkalde sa publiko o ‘netizens’ na nagsumbong at nagpadala ng videos sa tanggapan hinggil sa naaktuhan krimen sa lungsod.
Malaki aniyang tulong ito sa pagresolba at agaran matunton ang mga suspek sa ilegal na gawain.















