Handang ipahiram ng Manila City Government ang kanilang COVID-19 vaccine storage facilities sa ibang mga bayan.

Sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno na bilang tulong ngayong panahon ng pandemya kaya iaalok nila ang kanilang storage facility sa mga karatig na lugar.

Nauna nito ay pinasinayanan ng alkalde ang storage facility na makikita sa Sta. Ana Hospital.

Magugunitag aabot na sa 12 refrigeration units ang binili ng lungsod para paglagyan ng mga bakuna laban sa COVID-19.