-- Advertisements --

Nilagdaan na ni Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso sa lungsod ng Maynila ang isang ordinansa na siyang naggagawad ng ‘general tax amnesty’ sa buong kabisera ng bansa.

Bunsod nito’y wala ng sisingilin o ipapataw na penalty, surcharges, at interes sa mga di’ pa nababayarang city taxes, fees at regulatory charges hanggang sa darating na December 31, 2025.

Saklaw sa idineklarang ‘tax amnesty program’ ang lahat ng anumang uri ng ‘unpaid’ business taxes, delinquent real property taxes, ordinance violation receipt (OVRs), regulatory and service fees at local transfer taxes sa Maynila.

Ayon kay Mayor Isko Domagoso, ito’y upang makapagbigay ng tulong o asiste sa kanyang mga nasasakupan na hirap ngayon ang katayuan ng buhay dahil sa mahinang Negosyo.

Ngunit kung matapos na ang itinakdang ‘amnesty period’, ang City Treasurer anila’y maaring mag-resume na sa kanilang public auctions at ibang civil remedies sa mga unsettled tax delinquencies.

Bunsod nito’y makakaasa umano ang mga taga-Maynila na gagawin ng pamahalaang panlungsod ang lahat magampanan lamang ang obligasyon nito.