Muling binigyang-diin ng Malakanyang na kailangan pang pag-aralan ng mabuti ng Department of Transportation (DOTr) ang planong pagpapatupad ng mandatory drug test sa lahat ng driver ng pampublikong sasakyan.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na layon ng panukalang matiyak ang kaligtasan ng mga commuter, driver, at publikong nasa kalsada.
Naniniwala ang Palasyo na mahalaga ang panukala para sa kapakanan din ng mga motorista at sektor ng transportasyon, at hindi dapat basta isantabi.
Nanawagan din si Castro sa publiko na huwag husgahan ang panukala, dahil sa mga akusasyon na maging “money-making device” o pagkakitaan lang ng mga may interes ang mga PUV drivers na oobligahin sa pagpapa-drug test.
Tugon ito ng Palasyo sa panawagan ng transport group na PISTON na ikonsidera ang panukalang mandatory drug test sa PUV drivers dahil maaapektuhan ang mababang kita ng mga jeepney drivers.