-- Advertisements --

Inatasan ni Transportation Secretary Giovanni Lopez ang Land Transportation Office (LTO) na itigil ang pagkumpiska ng driver’s license sa traffic apprehensions at palawigin sa 15 working days ang palugit para ayusin ang mga paglabag.

Sa memorandum na inilabas, sinabi ni Lopez na hindi na isasama sa bilang ang mga holiday at long weekend, upang mabigyan ng mas mahabang panahon ang mga motorista na mag-settle ng kanilang violation.

Ang pagbabago ay kasunod ng reklamo hinggil sa umano’y overcharging sa violation at hirap sa pagproseso ng traffic tickets noong holiday season.

Ayon sa DOTr, epektibo agad ang memorandum circular. (report by Bombo Jai)