Kinumpirma ng Qatar Ministry of Defense na nakaranas ang bansa ng missile attack ngayong Huwebes, Marso 5, habang aktibong in-intercept ito ng kanilang air defense systems.
“The Ministry of Defense of the State of Qatar announces that the State of Qatar has been subjected to a missile attack. Air Defense systems are intercepting the missile attack,” ayon sa pahayag na inilabas ng bansa.
Dahil dito nanawagan ang pamahalaan sa mga mamamayan, residente at mga foreigner nito na manatiling kalmado, sundin ang mga opisyal na tagubilin, iwasan ang pagpapakalat ng mga maling balita, at umasa lamang sa impormasyon mula sa mga opisyal ng pamahalaan.
Maaalalang una nang sinabi ng Qatar noong Martes na hindi lamang ang mga military facility ang tinarget ng Iran kundi maging ang buong teritoryo ng Qatar, kabilang ang Hamad International Airport at mga gas facility sa bansa.
Ayon sa mga awtoridad nakapagpabagsak sila ng dalawang Iranian fighter jets na pumasok sa kanilang airspace noong Lunes.
“The attack on our sovereignty… has already crossed every possible red line,” ani Majed Al-Ansari, tagapagsalita ng Qatari foreign ministry.
Dadag niya na nakapaghanda na ang bansa at lahat ng kinakailangang hakbang ay kanilang gagawin upang ipagtanggol ang bansa.
Binanggit din ng opisyal na ang pangunahing prayoridad ngayon ng pamahalaan ay ang kaligtasan ng mga mamamayan at residente sa bansa, na kumakatawan sa humigit-kumulang 140 na nasyonalidad.
Wala ring kasalukuyang bukas na linya ng komunikasyon sa pagitan ng Qatar at Iran, ayon kay Al-Ansari. Binigyang-diin niya na handa ang bansa na gumanti at may sapat na air-defense missiles naman daw sila upang harapin ang anumang mga pag-atake.
Samantala, nananatiling sarado ang airspace ng Qatar. Mahigit 8,000 transit passengers ang kasalukuyang stranded. Gayundin ang mga ulat, kung saan tumama ang mga bagong missiles attack ng Iran.
















