-- Advertisements --

Umabot sa 349 Pilipino ang nakabalik na sa Pilipinas noong Biyernes ng gabi bilang bahagi ng programa ng pamahalaan para sa repatriation sa gitna ng digmaan sa Middle East.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang ikalimang charter flight ang nagdala ng 349 repatriates kabilang ang 222 OFWs at kanilang 78 dependents, pati na rin ang 49 stranded Filipino na dumating sa Maynila mula sa Dubai bandang alas-7 ng gabi, Marso 27, 2026.

Ayon sa ahensya libu-libong Pilipino na ang nailikas mula nang mula nang mag-umpisa ang kaguluhan sa Gitnang Silangan noong huling bahagi ng Pebrero.

Sa pagdinig sa Senado noong Martes, sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na saklaw ng crisis protocol ng ahensya ang whole-of-government response sa pagtulong sa apektadong OFWs, mula sa onsite support hanggang repatriation at post-arrival services.

“Onsite assistance covers temporary shelters, food and basic necessities, medical and psychosocial support, financial assistance, and transport services, including land crossings to flyout points for repatriation, consistent with the host country’s safety protocols and carried out in close coordination with the Department of Foreign Affairs (DFA),” ani ng DMW.