-- Advertisements --

Tinanggal na ng China ang COVID-19 quarantine rule sa mga international inbound travellers.

Ayon sa Chinese health authority na ito ang unang pagkakataon na ibinaba nila ang restrictions mula pa noong 2020 ng magsimula ang COVID-19 pandemic.
Magsisimula ang pagtanggal ng limang araw ng mandatory quarantine sa darating na Enero 8.

Lahat aniya na mga magtutungo sa China ay kailangan ng sumailalim sa PCR testing ng 48 oras bago ang flight.

Umaasa ang gobyerno ng China na dahil sa nasabing hakbang ay muling sisigla ang kanilang ekonomiya.