-- Advertisements --
Balik ensayo na si Pinay tennis star Alex Eala bilang paghahanda sa pagsabak niya sa US Open.
Sa kaniyang social media account ay makikita ang ilang kuha habang ito nagsasanay sa hard courts ng Rafa Nadal Academy sa Mallorca, Spain.
Magugunitang umatras na ito sa paglahok sa Cincinnatti tournament nitong Linggo dahil sa shoulder injury.
Noong Hulyo 28 ay nabigo si Eala kay Marketa Vondrousova ng Czech Republic sa Canada Open.
Dahil dito ay bumaba rin ang ranking niiya sa Womens Tennis Associaton na mula sa ranked 65 ay naging ranked 68 na ito.