Inilunsad ni Pangulong Marcos ang sumbongsapangulo.ph website, kung saan maaring ireport ng ating mga kababayan ang mga anomalya sa flood control projects sa kani-kanilang mga lugar.
Pagtiyak ng Pangulo na siya mismo ang magbabasa sa mga reklamo na ipapadala sa pamamagitan ng website.
Kaya hinikayat ng Pangulo ang publiko na makibahagi sa kampanya ng gobyerno na labanan ang mga korapsiyon at itigil na ang mga palpak at ghost flood control projects.
Sinabi ng pangulo na naisapinal na ng pamahalaan ang listahan ng mga flood control projects at maaari na itong ma-check sa sumbongsapangulo.ph. sa pamamagitan ng pagta-type ng barangay, bayan o probinsta, kontratista o pangalan ng proyekto.
Maari ring pumili ng filters o pumili ng rehiyon, uri ng trabaho at taon kung kailan ito ginawa. Mula doon ay makikita na ang gastos, kontratista at petsa ng pagkumpleto.
Bukod dito, pwede ring hanapin ang proyekto sa inyong lugar gamit ang interactive map. Pwede mag-report kung may problema sa estado ng flood control project at lakipan ito ng larawan .
Binigyang diin ni pangulong marcos na kailangang malinis ang gobyerno mula sa mga korap.
Aminado ang pangulo na maaring may mga masagasaan siya, kahit ang mga taong malapit sa kanya, pero mas matimbang aniya sa kanyang puso ang taong bayan kaya sila ang kanyang uunahin.