-- Advertisements --

Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ilang findings sa isinagawang imbestigasyon kaugnay sa kontrobersiyal na flood control projects.

Ibinunyag ng Pangulong Marcos, 20% ng kabuuang P545.64 billion peso flood control projects, napunta lang sa 15 contractors.

Lima sa mga ito, mayruong proyekto sa halos lahat ng rehiyon sa bansa.

Dagdag pa ng Pangulo nasa 6, 021 flood projects, walang specifications at ang iba ay nadiskubreng pare pareho ng halaga.

Sinabi ng Pangulo na napaka imposible na magkakapareho ang mga nasabing proyekto.

Inihayag ng Pangulo ang mga rehiyon na may pinaka maraming proyekto at highest spending nangungunga dito ang National Capital Region na may 1,058 projects na nagkakahalaga ng P52.57 billion; Region 3; Region V na may 866 projects na nagkakahalaga ng P49.61 billion.

Dahil dito pinuna ng pangulo ang hindi tugmang flood control projects sa mga probinsya na palaging binabaha.

Batay kasi sa listahan na Bulacan, Cebu, Isabela, Pangasinan, at Pampanga ang may pinakamaraming flood control projects, na taliwas sa listahan ng top 10 flood prone provinces ito ang Pampanga, Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac, Bulacan, at Metro Manila.

At mula sa labinlimang contractors, lima ang may proyekto sa halos lahat ng rehiyon sa bansa.

Ayon kay Marcos, nakababahala ang resulta ng imbestigasyon, pero patuloy pa anilang pag-aarala ang mga findings para matukoy kung sino ang mga dapat managot.