-- Advertisements --
Magsasagawa ng emergency meeting ang European Union ilang araw bago gaganaping pulong nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin.
Ikinakabahala kasi ng European foreign ministers na hindi maisama sa pagpupulong si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Iginiit ng EU ang kahalagahan na pagsali ng Ukraine dahil sila ang may susi para tuluyang matapos ang kaguluhan na umabot na sa apat na taon.
Magugunitang magaganap ang pulong nina Trump at Putin sa araw ng Sabado sa Alaska.
Magugunitang una ng sinabi ni Trump na pagkatapos ang pagpupulong kay Putin ay agad na tatawagan niya si Zelensky at ang mga lider European Union ukol sa nasabing pag-uusap.