-- Advertisements --

Nanatili pa ring may mataas na tiwala si Vice President Sara Duterte kay Atty. Nicolas Kaufman na siyang humahawak sa kaso ng ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Sinabi nito na si Kaufman mismo ang pinili ng dating pangulo ay mahalaga na pagkatiwalaan na lamang siya.

Kanilang makikipagtulungan at susundin kung ano man ang kailangan ng legal team.

Isinagawa ng Bise Presidente ang pahayag sa nalalapit na confirmation of charges ng ICC kay Duterte sa darating na Setyembre 23.