Hinikayat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga local government units na dumulog sa Korte Suprema sa kontra sa kanilang flood control projects.
Kasunod ito sa pahayag ni Manila City Mayor Isko Moreno na ang pumping station na ginawa ng DPWH ay hindi sumailalim sa konsultasyon sa local government.
Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan na ang mga proyekto nila ay pinondohan ng national government at ito ay nakalista sa General Appropiration Act.
Giit pa nito na sakaling hindi angkop o kung hindi nila magustuhan ang mga proyekto ng DPWH ay maaari nila ito ng idulog sa Korte Suprema.
Paglilinaw nito na kanila munang titignan ang reklamo ni Moreno ukol sa pumping stations kung saan sinasabing inaayos lamang ng DPWH ang mga lumang pumping stations.