-- Advertisements --

Kumpiyansa ang Malacanang na mayroon pang mga indibidwal na sangkot sa anomalya ng flood control projects ang makukulong.

Sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez, natiityak nito sa publiko na ang imbestigasyon ay hindi magtatapos lamang s araw ng Pasko.

Ikinumpara nito ang imbestigasyon sa kaso ni Janet Lim Napoles na umabot sa ilang taon sa kinasangkutan nitong anomalya sa Priority Development Assistance Fund Scam (PDAF) kung saan ang flood control anomaly ay nasa limang na buwan pa lamang.

Matapos ang limang ay nagsimula na ang Ombudsman ng pagsampa ng mga kaso sa mga sangkot na personalidad.