-- Advertisements --

Sumailalim sa malalimang pagsusuri ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga gamit ni Department of Public Works and Highways (DPWH) undersecretary Maria Catalina Cabral.

Ang mga ito ay nakuha sa mga kuwarto ng hotel kung saan tumuloy ang dating opisyal.

Hindi na inisa-isa pa ni Atty. Palmer Mallari, ang tagapagsalita ng NBI, kung ano ang mga gamit na kanilang isasailalim sa pagsusuri.

Ipapaubaya na lamang na nila sa korte ang disposisyon ng nasabing mga kagamitan.

Magugunitang natagpuang patay ang dating DPWH official sa malalim na bangin sa kahabaan ng Kenon Road sa Benguet.