-- Advertisements --

Pansamantala munang magsisilbi bilang officer-in-charge ng Benguet Police Provincial Office (BPPO) si Col. Ledon Monte.

Ito ay kasunod ng pagbabago sa liderato ng naturang PPO matapos ang kontrobersyal na pagkamatay ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina Cabral.

Maalalang na-relieve sa pwesto ang dating PD na provincial director na si Col. Lambert Suerte, salig sa kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), dahil sa umano’y lapses sa isinagawang imbestigasyon.

Gayonpaman, binawi rin kinalaunan ang naturang order matapos pumayag ang pamilya ni Cabral na isailalim ang kaniyang mga labi sa autopsy.

Ayon sa DILG, sumailalim muna sa medical leave ang ang dating PD na si Suerte, epektibo, Disyembre-22.

Kasabay nito ay si Monte muna ang mangunguna sa mga operasyon ng naturang PPO, habang naka-leave si Suerte.