-- Advertisements --

Nakatakdang magsumite ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) ng kanilang pinal na rekomendasyon matapos ang pagbibitiw ng dalawang commissioners nito.

Ayon kay ICI chairperson Andres Reyes Jr. na binuo ang ICI na may malinaw na mandato para mangalap ng ebidensya at magbigay ng karampatang kaparaanan.

Sa kasalukuyan aniya ay mayroong walong referrals at kaso ang isinampa ng ICI na kinabibilangan ng nasa 1,000 katao na sangkot sa flood control anomalies.

Ang mga indibidwal na sangkot aniya ay mga Senador, kongresista, mga dati at kasalukuyang opisyal ng gobyerno.

Katuwang din nila ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) at nakapag-freeze na sila ng nasa P20.3-bilyon na mga assets na pag-aari ng mga sangkot sa anomalya.

Magugunitang nagbitiw si ICI Commissioner Rossana Fajardo na epektibo sa Disyembre 31 kung saan noong dalawang linggo ang nakaraan ay unang nagbitiw bilang bahagi rin ng ICI si dating public works secretary Rogelio Singson.