Hiniling ng isang mamamayan sa Korte Suprema na repasuhin ang desisyon ng Commission on Elections na naglinis kay Sen. Francis “Chiz” Escudero kaugnay ng P30 milyong campaign donation mula sa isang government contractor noong 2022 elections.
Hiniling Sa petisyong inihain na baligtarin ang resolusyon ng Comelec Political Finance and Affairs Department at imbestigahan ang posibleng paglabag sa batas na nagbabawal ng donasyon mula sa may kontrata sa gobyerno.
Iginiit sa petisyon na hindi hiwalay ang donor at ang kumpanya, taliwas sa naunang pahayag ng Comelec. Aniya, layon ng petisyon ang itaguyod ang transparency at pananagutan sa halalan.
Tumanggi munang magkomento ang Comelec, dahil wala pa umano itong natatanggap na kopya ng petisyon. (report by Bombo Jai)















