-- Advertisements --

Kampante si Senator Panfilo Ping Lacson na makukuha nito ang suporta ng kanyang mga kasamahan sa Senado kaugnay sa kanyang report na bumubusisi sa bilyon-bilyong pisong pondo para sa flood control projects.

Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Lacson na solid ang mga ebidensya at datos na nagpapakita ng iregularidad sa implementasyon ng mga nasabing proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa mambabatas, hindi maikakaila ang disconnect sa pagitan ng dambuhalang alokasyon ng pondo at sa kawalan ng malinaw na comprehensive master plan upangolusyunan ang pagbaha.

Umaasa si Lacson na sa pamamagitan ng nasabing report, maitatama ang sistema ng paglalaan ng budget at matitigil ang pagsasayang ng pondo ng bayan.

Inaasahang isasalang ang report sa plenaryo sa mga susunod na araw upang pormal na madedebatehan at maaksyunan ng mataas na kapulungan.