-- Advertisements --

Pinuri ng grupo ng mga negosyante sa bansa ang hakbang ng gobyerno para labanan ang red tape sa mga government offices.

Ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) , na kanilang kinilala ang paglabas ng Executive Order 108 at ang pagiging economic czar ni Finance Secretary Frederick Go.

Sa nasabing EO 108 ay itinalaga si Go bilang chairperson ng Economic Development Committee (EDCom) na nagbibigay ng strategic investment priorities.

Dagdag pa ng PCCI na ang nasabing hakbang ay mas lalong makakaakit ng maraming mga investors sa bansa.

Magpapatuloy ang kanilang pagkikipagtulungan sa gobyerno para mapalago pa lalo ang ekonomiya ng bansa.