Matapos ang 17 taon na pagtatago sa England, bumalik sa Bangladesh si Tarique Rahman, ang nangungunang kandidato para maging susunod na prime minister ng bansa, bago ang halalan sa susunod na taon.
Si Rahman, 60-anyos, ay anak ng dating prime minister na si Khaleda Zia at lider ng Bangladesh Nationalist Party (BNP), na ngayon ay naglalayon na makabalik sa kapangyarihan sa darating na halalan.
Mula noong 2008, nanirahan si Rahman sa London at inaasahan siyang magiging bagong lider ng Bangladesh kung mananalo ang BNP.
Ang pagbabalik ni Rahman ay naganap kasunod ng pagbagsak ng rehimen ni dating prime minister Sheikh Hasina noong nakaraang 2024.
Si Rahman ay iniimbestigahan noon sa mga kasong kriminal habang nasa kapangyarihan si Hasina at ang kanyang Awami League party, ngunit pinalaya siya mula sa lahat ng paratang nang magtapos ang rehimen ni Hasina.
Magugunitang si Hasina ay kasalukuyang nagtatago sa India, kung saan nahaharap sa patong-patong na kaso tulad ng death penalty at ang kanyang partido ay hindi rin papayagang makilahok sa darating na halalan sa bansa.















