-- Advertisements --

Nasa limang katao na ang nasawi matapos ang naganap na 5.5 magnitude na lindol sa Bangladesh.

Naitala ang epicenter ng lindol sa may Narsingdi district, o nasa 30 kilometers ng Dhaka.

Nagtala rin ng mahigit 450 katao ang sugatan matapos na matabunan ng mga gumuhong gusali.

Nagtakbuhan naman ang mga mag-aaral dahil sa pagyanig na nagresulta sa pagkakasugat ng 10 sa mga dito.

Naramdaman din ang pagyanig sa ilang bahagi ng India na border ng Bangladesh subalit walang naitalang sugatan.