-- Advertisements --

Aabot sa mahigit 1,000 mga bata ang nasawi dahil sa tigdas sa Bangladesh.

Patuloy kasi ang pagtaas ng kaso ng tigdas sa nasabing bansa kahit na mayroong ginagawang emergency vaccination campaign.

Mayroon na kasing halos 20 milyon na mga bata na kasi ang nabakunahan na subalit mayroong mahigit 1,000 na mga bagong suspected cases ang naiuulat araw-araw.

Sinabi naman ng United Nations Children’s Fund o UNICEF na sa susunod na linggo ay papaigtingin ng gobyerno ng Bangladesh ang kanilang pagbabakuna para mabilis na maabot ang mga bata na hindi pa nabakunahan.

Target rin ng World Health Organization (WHO) na tuluyan ng matanggal ang tigdas sa Bangladesh.

Mula pa kasi noong buwan ng Marso ay mayroong 194,000 na mga bata na ang dinapuan ng tigdas.