-- Advertisements --

Pumanaw na si dating Bangladeshi Prime Minister Khaleda Zia sa edad na 80.

Kinumpirma ito ng kaniyang partido na Bangladesh Nationalist Party (BNP) subalit hindi na binanggit pa ang dahilan ng kaniyang kamatayan.

Siya ang unang babaeng nahalal na prime minister ng Bangladesh.

Naharap ito sa mga kaso ng kurapsyon kung saan pinabulaanan niya ito at sinabing pamumulitika lamang ang motibo.

Noong Enero 2025 ay na-acquit si Zia sa pinakahuling kaso ng kurapsyon ito.

Matapos na ito ay mapalaya mula sa kulungan dahil sa karamdaman noong 2020 ay hiniling ng pamilya nito kay dating Prime Minister Sheikh Hasina na kung maaari ay payagan siyang makapagpagamot sa ibang bansa subalit ito ay tinanggihan.

Matapos ang pagpatalsik kay Hasina noong 2024 ay pinayagan na siya ng namumuno ng interim government na pinamumunuan ni Nobel Peace Prize laureate Muhammad Yunus.

Ang asawa ni Zia na si President Ziaur Rahman ay nakuha ang kapangyarihan bilang military chief noong 1977 at matapos ang isang taon ay itinaguyod niya ang BNP kung saan ipinakilala niya ang pagbubukas ng demokrasya pero nasawi noong 1981 military coup.

Dahil sa paglaban ni Zia sa military dictatorship siya ay nagsimula ng malawakang pagkilos hanggang mapatalsik si dating army chief H.M. Ershad noong 1990.

Naging pangulo si Zia noong 1996 at bumalik sa puwesto noong 2001 hanggang 2006.

Sa kaniyang termino ay nabalot ito ng kontrobersiya gaya ng pagkakasangkot ng anak nitong si Tarique Rahman.

Matapos ang pamumuno sa puwesto ng 15 taon ay pinatalsik siya sa pamamagitan ng malawakang kilos protesa noong Agosto 2024.