Planong isagawa ang isang konseryto kasabay ng paggunita sa anibersaryo ng People Power Revolution laban sa flood control o isyu ng korapsyon kinakaharap ng bansa.
Gaganapin nang maaga sa ika-21 ng buwan Pebrero 2026, sisimulan ng alas-kwatro ng hapon, may temang ‘Awit at Aksyon kontra Korapsyon.
Ayon sa Mayors for Good Governance at grupong Kaya Natin!, ang konsyerto’y layon maipaalala sa mga Pilipino na ang pagkakaisa na siyang nangyari noong 1986 ay kayang magamit ngayon bilang laban sa korapsyon.
Kung kaya’t dala anila ang mensahe na responsibilidad at may papel ang bawat isa lalo na sa pagsamang labanan ang isyu ng katiwalian sa bansa.
Ilan sa mga inaasahan magtatanghal sa selebrasyon ay sina Ogie Alcasid, Janno Gibs, Moro Beats at kasama rin sina Vice Ganda at iba pa.















