Sinabi ni House prosecution adviser at spokesperson Ace Barbers na kapansin-pansing nanghina at malaki ang ibinaba ng timbang ni dating House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez bago pa man ito maaresto at ma-confine sa ospital.
Ayon kay Barbers, nakita at nakausap niya si Romualdez isang linggo bago ipatupad ang arrest warrant kaugnay ng plunder case na may kinalaman sa kontrobersiya sa flood control projects.
Sinabi rin ni Barbers na dati umanong overweight si Romualdez anim hanggang walong buwan na ang nakalipas, ngunit ngayon ay kapansin-pansing payat at mahina na ito.
Nananatili sa kustodiya ng pulisya si Romualdez habang naka-confine sa ospital. Ang kanyang kalagayan at kung mananatili siya sa ospital o ililipat sa detention facility ay nakasalalay sa magiging pasya ng Sandiganbayan.
Binigyang-diin ni Barbers na batay sa personal niyang obserbasyon ang kanyang pahayag tungkol sa kondisyon ni Romualdez.
Samantala, nananatiling may presumption of innocence si Romualdez habang dinidinig ang plunder case laban sa kanya.
















