-- Advertisements --

Sa gitna ng patuloy na diskusyon tungkol sa umano’y katiwalian at maling paggamit ng pondo sa bansa, ibinahagi ng internet personality na si Bretman Rock ang isang personal na karanasan kaugnay ng donasyong ibinigay niya sa elementary school na kanyang pinasukan sa Sanchez Mira, Cagayan.

Sa Season 2, nang kanyang podcast ikinuwento ni Bretman ang insidenteng may kaugnayan sa donasyong binanggit niya sa isang Remitly advertisement na ipinalabas noong Nobyembre 2025.

Sa naturang patalastas, sinabi niyang nagbigay siya ng kabuuang P555,000 halaga sa kanyang dating paaralan na kanyang tinawag bilang lugar kung saan isinilang ang main character ng Bretman Rock.

Ayon kay Bretman, direkta niyang ipinadala ang donasyon sa principal ng paaralan, na kalaunan ay nagdulot umano ng kalituhan sa hanay ng mga guro at opisyal ng paaralan.

Aniya, may mga nagtatanong kung nasaan napunta ang pera at kung bakit hindi sila naabisuhan tungkol dito. May ilan din umanong nagduda kung tama ba ang paggamit ng pondo, lalo na’t may kamag-anak siyang guro sa nasabing paaralan.

“Apparently, because I sent it directly to the principal, the principal was being hush-hush and petty about it,” pahayag ni Bretman sa podcast.

Ibinahagi rin niya na may mga mensaheng ipinadala sa kanya na nagpapakita ng kawalan ng tiwala sa pamunuan ng paaralan dahil hindi umano ito nabanggit sa faculty. Bagama’t may natanggap siyang pasasalamat, sinabi niyang nakitaan niya ito ng kakaibang tono.

“They thought he was like, trying to pocket the money… and someone DM’d me about it, like, ‘Hey, we don’t really trust the principal. He hasn’t brought it up to any of the faculties.’ And even his thank you message to me was so, so weird,” saad pa ni Bretman.

Dahil dito, sinabi ni Bretman na hinayaan niya ang kanyang ina ang humawak ng isyu. Ayon sa kanya, humingi ang kanyang ina ng kumpletong ulat at mga resibo upang masiguro na ang bawat sentimo ng donasyon ay napunta sa paaralan at hindi sa bulsa ng kanyang pinagbigyan.

Kinumpirma rin niyang nalutas na ang isyu.

“Now, we have in writing every single thing they’re gonna do for the money,” ani Bretman.

Samantala, naglabas ng detalyadong pahayag ang punong-guro na tinutukoy ni Bretman na si Adelino Mahumot Pacris, kung saan mariing itinanggi ang anumang alegasyon ng maling paggamit ng pondo.

“With all due respect and humility, I never had any inkling of intention to ‘pocket’ this huge amount remitted to my account,” ani Pacris.

Ipinaliwanag ni Pacris na ang donasyon ay unang inialok ng koponan ni Bretman Rock at siya ay nag-alinlangan dahil sa laki ng halaga. Aniya, kumonsulta aniya siya sa isang abogado at nakipag-ugnayan sa kamag-anak ni Bretman na bahagi ng faculty upang kumpirmahin sa ina ng influencer kung lehitimo ang donasyon.

Ayon pa sa punong guro, iniabot ng ilang linggo bago tuluyang makumpirma ang donasyon at maipadala ang pera sa kanyang account. Itinanggi rin niya ang mga paratang na hindi niya ginastos sa tama ang naturang donasyon, at sinabing dumaan ito sa tamang proseso para sa mga proyektong popondohan sa naturang paaralan.

“The money was remitted to my account, that’s true. But it is not true that I chose not to publicly disclose its existence,” dagdag niya. Aniya, buong halaga ng donasyon ay kanyang isinuko sa Parent-Teacher Association (PTA) Treasurer, at ang napagkasunduang proyekto ay natuloy naman daw.