-- Advertisements --

Nakapagtala na rin ng isang kumpirmadong kaso ng Nipah virus infection ang naiulat sa Rajshahi Division, Bangladesh.

Ayon sa International Health Regulations National Focal Point, ang pasyente ay nakaranas ng lagnat noong Enero at nakumpirma ang impeksiyon sa pamamagitan ng laboratory test makalipas ang ilang araw.

Batay sa imbestigasyon, wala itong travel history ngunit kumain ng hilaw na katas ng date palm, na karaniwang pinagmumulan ng impeksiyon.

Ayon sa Ministry of Health and Family Welfare ng Bangladesh, 35 katao na nakasalamuha ng pasyente ay mahigpit na mino-monitor at lahat ay nagnegatibo sa Nipah virus.

Kilala ang Bangladesh na nagkakaroon ng maliliit na outbreak ng Nipah virus, kadalasan tuwing Disyembre hanggang Abril, kasabay ng panahon ng pag-ani at pagkonsumo ng date palm sap.

Nagpatupad na ng mga hakbang pangkalusugan ang pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit, kabilang ang masusing surveillance at pagbibigay ng impormasyon sa publiko.

Sa kasalukuyan, tinuturing ng World Health Organization na mababa ang panganib ng Nipah virus sa pambansa, regional at global level, at mababa rin ang posibilidad ng pagkalat nito sa ibang bansa.