-- Advertisements --

DHAKA, Bangladesh – Muling nahatulan ng korte sa Dhaka, Bangladesh ang dating Prime Minister na si Sheikh Hasina.

Siya ay pinatawan ng panibagong 21 taong pagkakakulong dahil sa mga kasong korupsiyon at pagkamkam ng lupa sa isang proyektong pabahay ng pamahalaan.

Bukod sa pagkakakulong, pinagmulta rin siya ng tig-100,000 taka sa bawat kaso.

Kasama sa hatol ang kanyang anak na si Sajeeb Wazed Joy at anak na babae na si Saima Wazed Putul na kapwa nahatulan ng tig-5 taong pagkakakulong at multa.

Ang mga lupang sangkot ay bahagi ng Rajuk New Town Project sa Purbachal, isang suburb ng Dhaka.

Isang linggo bago nito, si Hasina ay hinatulan ng kamatayan dahil sa crimes against humanity matapos ang marahas na crackdown laban sa mga estudyanteng nag-aklas noong 2024.

Ang hatol na ito ay nakikitang dagdag na dagok sa dating lider na matagal nang nakikipaglaban sa mga kasong kriminal at politikal laban sa kanya.