-- Advertisements --

Iginiit ni Davao City Rep. Paolo Duterte na lahat ng proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ipinatupad sa Davao City mula 2020 hanggang 2022 ay may kumpletong accounting at opisyal na sertipikadong tapos ng ahensya.

Sinabi ni Duterte na naisagawa na ang mga hakbang para sa transparency, kabilang ang paglalabas sa publiko ng consolidated list ng mga DPWH project na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱49 bilyon para sa nasabing panahon.

Ayon sa kongresista, suportado ang mga rekord ng mga sertipikasyon at completion reports ng DPWH. Nilinaw niya na ang mga proyekto ay aktuwal na ipinatupad at natapos.

Naglabas ng pahayag si Duterte bilang tugon sa mga ulat hinggil sa umano’y “leaked” budget documents na nag-uugnay sa ilang mambabatas at opisyal sa mga kahilingan ng DPWH projects noong mga nakaraang budget cycle. (report by Bombo Jai)