-- Advertisements --

Isinailalim sa sensitivity training ang mga driver, konduktor, operator ng EDSA Carousel, at mga enforcer ng DOTr-SAICT.

Ito ay bunsod ng insidente ng pananakit sa isang PWD sa bus.

Ayon kay SAICT spokesperson Rayson Dela Torre, nilalayon ng pagsasanay na ito na palawakin ang kaalaman ng mga kawani sa transportasyon tungkol sa mga neurodiverse condition tulad ng autism at Tourette Syndrome.

Sa ganitong paraan ay magiging mas ligtas at accessible ang transportasyon para sa kanila, alinsunod sa Magna Carta for Persons with Disabilities.
Lumahok sa training ang dalawang consortium na may 300 bus.

Nagbahagi ng kaalaman ang Autism Society Philippines at Tourette Syndrome Association of the Philippines.

Nagkaroon din ng turnover ng DOTr-SAICT vests bilang simbolo ng pangakong unahin ang kaligtasan at dignidad ng mga pasahero.