Ramdam na muli ang pagdagsa ng mga pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong nalalapit na kapaskuhan, kung saan umabot sa 186,231 ang nagtungo sa terminal.
Tiniyak ng PITX na binabantayan nila ang pangangailangan ng mga biyahero anim na araw bago mag-Pasko.
Ayon kay PITX Head of Corporate Communications and Government Relations Jason Salvador, mas pinaigting ang mga security measures at nagdagdag ng karagdagang security forces upang maiwasan ang anumang pananamantala.
Katuwang ng PITX ang PNP, SAICT, LTO, at LTFRB sa pagpapatupad ng seguridad. Ipinatupad din nila ang tatlong “S”: Safety, Security, at Supply, bilang gabay sa operasyon ngayong holiday season.
Binanggit ni Salvador na mahigpit ding babantayan ang kalagayan ng mga drayber ng bus upang matiyak na nasa maayos na kondisyon bago bumiyahe.
Sa kasalukuyan, naitala ang 114,796 na foot traffic sa PITX ngayong araw bandang alas-kuwatro ng hapon.
















